Thursday, February 26, 2009

killing time

this is what boredom does:

Paghihintay

Nung bata pa ako, madalas akong dalhin ni Mama sa ospital. Hindi dahil lagi akong may sakit, kundi dahil walang magbabantay sa akin sa bahay.

Isang med-tech ang aking ina, at nagtatrabaho sa ospital.

Kadalasan, nakaupo lang ako sa isang gilid ng kuwarto, kung saan siya nagtatrabaho—nagmamasid-masid, nakikinig ng kanta sa radio, nakikinig sa usapan ng kanyang mga ka-opisina, o kung kapag sinuwerte, nakapapanood ng telebisyon sa isang silid kung saan andun ang mga pasiyente, o yung mga blood donors, ika nga.

Minsan din, inuubos ko ang oras ko sa pagguhit—pagguhit ng mga bagay na namumuo sa aking kaisipan. Karaniwan lang naman ang mga bagay-bagay o lugar na naiguguhit ko—mga bundok, puno,sakahan o karagatan.

Masaya ako pag dinadala ako ni mama sa ospital na kanyang pinagtatrabahuan. Ito kasi ang panahon kung saan binibili niya ako ng pagkain, paborito ko man o hindi; nililibre din ako ng kanyang mga ka-opisina ng iba’t ibang bagay, na kadalasan,ay pagkain din!

Hindi ako madalas makipag-usap. Hindi dahil sa ayaw ko, kung hindi dahil busy ang karamihan. Bilang isang bata, kinokontento ko na ang sarili ko sa pagmamasid at panonood sa mga tao at tungkol sa mga bagay-bagay na nag-ookupa ng kanilang panahon, at mga bagay na kailangang gawin.

Ang mga panahong iyon ay panahon ng paghihintay kay mama, hanggang sa matapos ang araw niya sa kanyang trabaho. Buong walong oras ay ginugugol ko sa paghihintay, hanggang sa mag alas-singko na at oras na ng kanyang uwian.

Ang mga panahon ng paghihintay noon na yata ang nagturo sa akin upang maging pasensyoso.

Hindi madali ang paghihintay. Mag-iisip ka ng mga bagay na pwede mong gawin upang maubos ang oras. Kadalasan nakakainip ito, nakakapagod, at nakasasakit ng ulo.

Sa aking pagtanda, marami pa ring oras ang nauubos ko sa paghihintay—kadalasan ang paghihintay na ito ay konektado sa pagdating—pagdating ng isang bagay, pagdating ng katapusan, o pagdating ng isang pangyayari.

Gumugugol tayo ng panahon sa paghihintay. Ngunit ang paghihintay na ito, hindi rin naman kailangang sabayan nng pagkabagot, o pagkainip. Lalo lang nitong pinapalala ang inis o pagod na dulot ng paghihintay.

Marami rin namang pwedeng gawin habang naghihintay. Maraming bagay na pwedeng pag-ukulan ng panahon, at pwede ka pa ring maghintay habang nagsasaya ka sa mga bagay-bagay na iyong ginagawa sa kasalukuyan.###

9 comments:

Anonymous said...

nice naman!
--------
eto mukhang pwede na makapasok ang comment ko ah.hehe

Roland said...

hahaha
natawa ako sa comment ni eliment.
nang-aagaw ng eksena!

anyway, tama ka. nakakapagod
at nakakainis ang maghintay
lalo na kung walang kasiguruhan
na may hinihintay ka?

minsan mas masarap maghintay sa kawalan
kaysa yung may sigurado kang inaasahan
umasa ka hanggang langit
pero walang dumating.
dba?

Roland said...
This comment has been removed by the author.
Anonymous said...

mainipin ako.

madalas, hindi ako marunong maghintay.

kaya eto, tinuruan ako ng leksion.

and i think, magaling na akong maghintay.

eto nga, naghihintay pa rin ako.

for my sweetie to get well and come home.

mahirap talagang maghintay.

but there are things that are worth waiting for.

gaano man siya katagal.

Nyanya said...

@eliment

uu nga, nadiskubre ko na sha! hehe

Nyanya said...

@roland

"minsan mas masarap maghintay sa kawalan
kaysa yung may sigurado kang inaasahan"

agree ako jan...atleast sa paghihintay sa kawalan, maraming bagay kang napag-oobserbahan!

Nyanya said...

@brainteaser

"but there are things that are worth waiting for.

gaano man siya katagal"

kaya lng bka sa sobrang paghihintay, di mo alam, either nagkasalisihan na kau (either tao, bagay, o oportunidad)

o dumating na, pero may iba kang hinihintay pa...:(

Anonymous said...

Sister! Was trying to reach you kanina!

Ano girl, sama ka? Tom ang alis, 6am. :-)

eliment said...

seryoso na to.
hindi kase pumasok yong unang comment ko. :-(

sa lahat ng gawain, paghihintay ang napakahirap gawin. nakakainip, nakakabagot.

masarap lang yung nakatingin ka sa kawalan na parang walang pakialam sa oras...