At dahil nakita kitang kasama mo siya, habang naglalakad kami sa galeria nung isang araw, dun ko napagtantong dapat na ngan itigil ang kabaliwan. Pero dahil palagi pa rin tayong magkasama, magkatabi o nagkikita, mahihirapan yata akong iwasan ka.
Wala naman yata talagang dapat magbago dahil magkaibigan na tayo noon pa lang. At hindi naman nagkaaminan o nagkasabihan ng nararamdaman. Pero kung walang magbabago, mahirap lumayo, at kung mahirap lumayo, mayroong hindi magbabago o mawawala.
Pinagtatawanan ko na lang ang lahat ng bagay na nangyayari sa akin, dahil wala rin namang mangyayari kung idadaan ko ito sa lungkot, sa galit o sa pag inom.
Ayoko namang sirain ang pagkatao ko dahil lang sa isang pangyayari sa buhay ko.
Dahil malalagpasan ko rin ito, at may ibang tao ring darating...
****
Maulan kasi, kaya ko to nagawa...joke lang ang mga bagay bagay!, hehehe!
No comments:
Post a Comment