Thursday, March 18, 2010

bahala ka na...goodluck na lang!

Ayoko na, pagod nako. ngayon ko na nasasabi ito. Bakit nga ba ngayon lang? Kung kailan ang dami dami nang nagsuko at nagsabing "I give up!" kung kailan ang dami nang nagsabing "wala na tong patutunguhan, hopeless na to!"

Ngayon nagmumuni muni ako. Either dati akong densed at ngayon lang nagkaka feelings, o dahil masipag at masaya pa ako dati, o dahil sadya lang talaga akong bayani?

Pwede rin kasing feeling ko dati may pag-asa pa. Na masosolusyunan din ito. Out of ten years na sinusubukan niyang maging maayos, ngayon, sa panahong andito ako maaayos sha.

Aba, nagpapakabayani nga ako.

Pero iba ako sa mga totoong bayani. Dahil ako sumusuko na rin. Dahil ako, hindi magpapakamatay para dito. Sorry, kahit papaano mahal ko pa ag sarili ko.

At ngayon, goodluck na lang talaga. Hindi ko na gusto ang "idealisms" nyo, at mali ang mga taong pinagkakatiwalaan at hinahangaan mo.

Hindi ko alam kung kailan mo ito marerealize or kung marerealize mo to in time.

Bahala ka na. Basta ako, aalis na ako!