SA MGA PANAHONG NAGSASABAY ANG ULAN AT ARAW
Rain, for some can be a very sad companion. It felt as though the world was crying.
The writer, “Ayala the Ayatollah”
Ika-apat ng hapon.
Mula sa malawak na bintana
Pinagmamasdan ko
Ang laro ng dilaw na sikat ng araw
Na humahalo sa berdeng kulay ng mga halaman.
Maririnig ang mahinang pagaspas ng hangin
Sabay ng huni ng ibon at tilaok ng manok.
Panatag na dulot
Sa lumbay na puso.
Katahimikan sa isip—
Sa wakas tapos na ang unos.
Ngunit hindi pa rin natatapos ang kalungkutan
Nananahan pa rin sa isip ang lambong na mga pangyayari.
Ulan sa isipan
At luha sa mata.
Pumapatak ang ulan
Kasabay ang mingning na saya ng araw.
Naririnig ang magaang patak ng ulan
Ang maninipis at mabilis na pagdampi nito
Sa yero ng mga bubungan
Sa dahon ng mga halaman
Sa aspalto ng bawat lansangan.
Hindi naman mapipigilan
Ang pagbuhos ng ulan
Sa maaraw na hapon.
Dahil sa ganitong panahon
Para bang naghaharing sabay ang lungkot at saya.
No comments:
Post a Comment